The Filipino in Me - Insights into Living Heritage
Entry by Andrew Manglo. Edmonton, Alberta
Time Machine
Kay sarap balikan ang buhay nuon. Isang paalala ito na pahalagahan ang bawat sandali dahil ang ngayon ay kahapon ng bukas.
[It feels good to remember our life then. This is a reminder to cherish every moment because the present is the past of the future.]
Artist's Statement
Bilang isang manunulat ng kanta, mahalaga na maipahiwatig ko ang mga nais kong sabihin gamit ang wikang pamilyar ako. Maganda sanang magsulat ng kantang maiintindihan ng mas maraming tao ngunit para sa akin, mas mahalaga na maiparating ko ang mensahe ng mga awitin ng mas malinaw. Sa pagsulat ko rin ng mga Tagalog na awitin ay para na rin akong dinadala nito sa bayan kong Pilipinas habang ako ay nagbabalik-tanaw sa mga alaala ng mga tao, lugar at pangyayari na aking naranasan nuong ako ay naruon pa.
Sana ay madala ko kayo pabalik sa kahapon sa bayan nating Pilipinas sa pamamag-itan ng mga kantang ito.
Mabuhay ang mga Pilipino!
[As a composer, it is important that I am able to express what I want to say in a language I am familiar with. It would be great to write a song that would be understood by a lot of people but for me, it is more important for me to be able to convey the message of the songs with more clarity. In my writing of Tagalog songs, I feel I am transported to my home country the Philippines while I reminisce memories of the people, the place and events that I experienced while I was still there.
I hope that I will be able transport you back to our country through my songs.
Long live the Filipino!]
* We would love to hear what you think of this entry. Leave a comment below.
Comments